MOD_LSPROPRICING_PER_ADDITIONAL
Ipinapakita lang ang mga presyong hindi EUR para may ideya ka. Palaging EUR ang currency kapag nag-check out. **VIP email queue, direct contact CSM, CSE, check-ins. Optional: onboarding, training, customisation.
Napakahalaga para sa amin ng seguridad. Inii-store ang datos ng iyong survey/tugon sa hiwalay na database na may hiwalay na username/password para sa bawat instance sa LimeSurvey Cloud. Ine-encrypt din sa pamamagitan ng SSL ang koneksyon ng iyong browser sa aming mga server.
Bilang default, hindi ine-encrypt ang datos na nasa LimeSurvey dahil regular itong ina-access ng LimeSurvey application <(span style="text-decoration: underline;">ina-access o ginagamit ito). Gayunpaman, puwede mong itakda ang mga tugon sa mga partikular na uri ng tanong na palaging ma-encrypt kapag hindi ina-access o ginagamit. Bukod pa rito, para sa datos ng kalahok, puwede kang pumili ng mga partikular na field na dapat palaging i-encrypt.
Maliban pa rito, gumagawa kami ng mga backup ng iyong datos sa LimeSurvey kada araw. Hindi ina-access o ginagamit ang datos na iyon at naka-encrypt iyon, at ligtas iyong naka-store sa ibang drive pero nasa iisang lokasyon sa pagho-host.
Kung ginagamit mo ang pagho-host ng LimeSurvey Cloud:
Kapag gumawa ka ng instance sa LimeSurvey Cloud, hihingin sa iyo ang lokasyon ng server kung saan namin iho-host ang iyong datos. Inaalok namin sa kasalukuyan ang mga sumusunod na lokasyon para sa pagho-host:
Pagkatapos pumili ng lokasyon, iii-store lang namin ang iyong datos sa server sa bansang iyon.
Kung ginagamit mo ang aming LimeSurvey Community Edition:
Sa ganitong sitwasyon, naka-store ang lahat ng datos mo sa server mo o ng iyong provider (karaniwang kung saan mo na-install ang LimeSurvey).
Uri | Porsyento |
---|---|
Mga Guro | 30% |
Mga Estudyante | 50% |
Mga Nonprofit | 30% |
Dapat sumang-ayon ang mga guro at estudyante na gagamitin lang nila ang LimeSurvey para sa gawaing nauugnay sa klase.
Madali lang mag-apply para makakuha ng diskuwento. Ilang hakbang lang ang kailangang gawin.
Hakbang 1: Mag-sign up para sa libreng LimeSurvey account.
Hakbang 2: Pagkatapos mong mag-sign up:
Ilalapat namin ang diskuwento kapag na-verify na ang mga dokumento.
Hakbang 3: Magpapadala kami sa iyo ng email ng kumpirmasyon kapag nalapat na namin ang diskuwento.
Hakbang 4: Puwede ka na ngayong mag-order at awtomatikong malalapat ang diskuwento. Kung hindi iyon mailapat, huwag mag-order at sa halip ay makipag-ugnayan sa amin. Hindi malalapat sa dati nang order ang mga diskuwento!
Tandaan: Nauugnay ang mga diskuwento sa entity na nag-apply para sa diskuwento. Halimbawa, hindi puwedeng mag-apply para sa diskuwento ng estudyante pagkatapos ay gumamit ng address sa pag-invoice ng kompanya kapag nag-order.
May karapatan ang LimeSurvey na hindi magbigay ng diskuwento o wakasan/bawiin ang diskuwento kung mapagpasyahan nito dahil sa pinaghihinalaang pang-aabuso.
Kung kakanselahin mo ang iyong subscription, maa-access mo pa rin ang lahat ng feature ng iyong plan sa loob ng panahong nabayaran mo na (ganito rin ang nalalapat sa LimeSurvey ComfortUpdate at LimeSurvey Cloud). Kung gumagamit ka ng LimeSurvey Cloud at nag-expire na ang subscription, babalik ka sa Libreng package. Maa-access mo pa rin ang lahat ng nakolektang tugon at magagamit mo pa rin ang lahat ng feature ng Libreng bersyon.