Sa LimeSurvey, puwede mong madaling makuha ang impormasyong kailangan mo para sa iyong pag-aaral sa pamamagitan ng mga pinakamagandang libre, madali, at anonymous na survey at questionnaire para sa estudyante.
Nakasalalay sa empirikal na pananaliksik ang maraming undergraduate na disseration, thesis sa master's at doctorate. Kapag may mga ganitong proyektong ginagawa ang mga estudyante, kadalasang may mas mahahalaga pa silang kailangang gawin kaysa sa pagsubok na unawain ang mga komplikadong software para sa survey. May solusyon kami: subukan ang mga survey para sa estudyante ng LimeSurvey na posibleng ang pinakasimpleng online na tool ng pampropesyonal na survey para sa mga estudyante. Poll o questionnaire man para sa estudyante, matutulungan ka ng aming mga survey na tapusin ang iyong mga kailangang ipasa sa unibersidad. Gusto mo bang magsimula ng survey tungkol sa kasiyahan ng estudyante o online na poll para sa estudyante? Magsimula rito ngayon.
Makipagpalitan ng mga ideya at humingi ng tulong. Suportado ang LimeSurvey ng malaking komunidad ng matatagal nang user na handang magbigay ng payo at praktikal na tulong.
Hindi mo kailangang mahirapan kapag gumagawa ka ng mga survey para sa mga estudyante: idinisenyo ang LimeSurvey para maging madaling magamit at maintindihan. Hindi komplikado ang pagbuo ng komplikadong survey.
Nakahanda na ito para gamitin.
Mabilis na i-export ang nakolektang datos sa survey para sa pagpoproseso sa ibang program (IBM SPSS Statistics, Excel, R, Stata, atbp.).
Bumuo ng mga indibidwal na sitwasyon sa pamamagitan ng pagtatanong sa bawat kalahok ng mga makabuluhang tanong lang sa anumang bahagi ng survey.
Magpadala sa mga kalahok ng imbitasyon sa email mula mismo sa LimeSurvey o magpadala ng mga paalala sa mga hindi pa nakakatapos sa iyong questionnaire.
Piliin kung saan iii-store ang iyong datos at protektahan ang iyong sarili sa pamamagitan ng paghingi ng pahintulot bilang pagsunod sa GDPR. Napakahalaga para sa amin na sa iyo lang ang iyong datos.
Ano ang iniisip ng mga kapwa mo estudyante? Ano ang opinyon ng iyong grupo sa pananaliksik? Makabuluhan pa rin ba ang hypothesis mo sa kabila ng mga tugon? Nagsusulat ka man ng undergraduate dissertation, thesis ng master's o doctorate, maraming tanong na kailangang sagutin. Pinakamabisang tool para dito ang online na questionnaire. Sa LimeSurvey, makakagawa ka ng survey sa loob ng ilang minuto kahit wala kang karanasan.
At hindi mo kailangang gumastos nang malaki. May 50% diskuwento sa LimeSurvey ang mga estudyante!
Napakahalaga para sa amin ng seguridad. Inii-store ang datos ng iyong survey/tugon sa hiwalay na database na may hiwalay na username/password para sa bawat instance sa LimeSurvey Cloud. Ine-encrypt din sa pamamagitan ng SSL ang koneksyon ng iyong browser sa aming mga server.
Bilang default, hindi ine-encrypt ang datos na nasa LimeSurvey dahil regular itong ina-access ng LimeSurvey application <(span style="text-decoration: underline;">ina-access o ginagamit ito). Gayunpaman, puwede mong itakda ang mga tugon sa mga partikular na uri ng tanong na palaging ma-encrypt kapag hindi ina-access o ginagamit. Bukod pa rito, para sa datos ng kalahok, puwede kang pumili ng mga partikular na field na dapat palaging i-encrypt.
Maliban pa rito, gumagawa kami ng mga backup ng iyong datos sa LimeSurvey kada araw. Hindi ina-access o ginagamit ang datos na iyon at naka-encrypt iyon, at ligtas iyong naka-store sa ibang drive pero nasa iisang lokasyon sa pagho-host.
Kung ginagamit mo ang pagho-host ng LimeSurvey Cloud:
Kapag gumawa ka ng instance sa LimeSurvey Cloud, hihingin sa iyo ang lokasyon ng server kung saan namin iho-host ang iyong datos. Inaalok namin sa kasalukuyan ang mga sumusunod na lokasyon para sa pagho-host:
Pagkatapos pumili ng lokasyon, iii-store lang namin ang iyong datos sa server sa bansang iyon.
Kung ginagamit mo ang aming LimeSurvey Community Edition:
Sa ganitong sitwasyon, naka-store ang lahat ng datos mo sa server mo o ng iyong provider (karaniwang kung saan mo na-install ang LimeSurvey).
Uri | Porsyento |
---|---|
Mga Guro | 30% |
Mga Estudyante | 50% |
Mga Nonprofit | 30% |
Dapat sumang-ayon ang mga guro at estudyante na gagamitin lang nila ang LimeSurvey para sa gawaing nauugnay sa klase.
Madali lang mag-apply para makakuha ng diskuwento. Ilang hakbang lang ang kailangang gawin.
Hakbang 1: Mag-sign up para sa libreng LimeSurvey account.
Hakbang 2: Pagkatapos mong mag-sign up:
Ilalapat namin ang diskuwento kapag na-verify na ang mga dokumento.
Hakbang 3: Magpapadala kami sa iyo ng email ng kumpirmasyon kapag nalapat na namin ang diskuwento.
Hakbang 4: Puwede ka na ngayong mag-order at awtomatikong malalapat ang diskuwento. Kung hindi iyon mailapat, huwag mag-order at sa halip ay makipag-ugnayan sa amin. Hindi malalapat sa dati nang order ang mga diskuwento!
Tandaan: Nauugnay ang mga diskuwento sa entity na nag-apply para sa diskuwento. Halimbawa, hindi puwedeng mag-apply para sa diskuwento ng estudyante pagkatapos ay gumamit ng address sa pag-invoice ng kompanya kapag nag-order.
May karapatan ang LimeSurvey na hindi magbigay ng diskuwento o wakasan/bawiin ang diskuwento kung mapagpasyahan nito dahil sa pinaghihinalaang pang-aabuso.
Kung kakanselahin mo ang iyong subscription, maa-access mo pa rin ang lahat ng feature ng iyong plan sa loob ng panahong nabayaran mo na (ganito rin ang nalalapat sa LimeSurvey ComfortUpdate at LimeSurvey Cloud). Kung gumagamit ka ng LimeSurvey Cloud at nag-expire na ang subscription, babalik ka sa Libreng package. Maa-access mo pa rin ang lahat ng nakolektang tugon at magagamit mo pa rin ang lahat ng feature ng Libreng bersyon.
Malaki ang naitutulong ng software sa pangangalap ng feedback ng mga bisita tungkol sa Ars Electronica, pati na rin sa pagtugon sa naturang feedback.
Dahil sa LimeSurvey, nakabuo kami ng komplikadong survey para sa komunidad gamit ang 100% libreng (ibig sabihin, GPL) software…
LimeSurvey lang ang produktong may kapani-paniwalang accessibility.
Simple pero mabisa: gamitin lang ang mga karaniwang survey namin at i-edit ang mga iyon para umayon sa iyong mga kagustuhan at pangangailangan, o gumawa ng sarili mong detalyadong questionnaire. Maa-access din ng mga estudyante ang lahat ng feature ng LimeSurvey.